Halong, saya, dahil makikita ko na uli ang mga kamag-anak at mga kaibigan ko sa probinsya, nasasabik sa pag-uwi at medyo mahabang bakasyon malayo sa trabaho sa opisina, pag-iisip kung anu-ano ang mga i-reregalo sa mga inaanak at kalungkutan na rin kapag bumabalik sa aking isipan ang mga nakaraang pasko na kasama pa namin ang aming magulang :(...
Kanina sa aking paggising may mga ilang senyales na nakakapagparamdam sa akin na padating na nga ang panahon ng kapaskuhan. Medyo masakit kasi ang aking lalamunan, bigla ko tuloy naalala yung pagbawal sa akin ni ate kagabi na wag na akong masyadong uminom ng malamig na inumin at baka sumakit lang ito,, at eto nga,... sana naman ay 'wag magtuloy sa sipon at ubo,,,sa pagbabago daw kasi ng panahon kaya di malimit na magkaroon ngayon ng ganitong sakit.
Iba na rin ang lamig galing sa tubig na parang hinaluan ng bloke ng yelo,,, binilisan ko na lang ang pagbuhos nito habang akoy naliligo at ramdam ko ang kakaibang lamig nito na nagpapahiwatig na papalapit na ang lamig ng kapaskuhan,,, Nakakaaliw namang pakinggan ang himig pamaskong awit ng San Miguel Philharmonic Choir habang ako'y gumagayak papuntang opisina.
Noong bata pa ako ay lagi kong iniisip na sana ay laging pasko. Malamig at magandang klima ng panahon, mga nakakaaliw na lugar panoorin sa saliw ng mga nakakabighaning palamuting pampasko, mga masasayang pamilya habang namamasyal sa mga mall at namimili ng mga kakailanganin nila sa pagdiriwang ng pasko, at higit sa lahat ang pagbibigayan na nilalaan natin sa isat-isat, ito ay ang pagbibigay ng mga mumunting regalo sa ating mga inaanak, kaibigan at mga mahal sa buhay...
Ito ang mga bagay na nagpapahiwatig sa atin at nararanasan kapag sumasapit na ang kapaskuhan,,,,Sana ay madama at ipadama natin sa bawat isa na araw araw ay pasko,,, may kasiyahan sa puso,, pagbibigayan hindi lamang sa materyal na bagay at higit sa lahat ang pagmamahalan at nawa'y madama ng lahat ang walang hanggang pagmamahal Niya....
Pasko na kaya,,,,,,,,,,,,, Maligayang Pasko po! :)