Wednesday, December 06, 2006

Pasko na nga...




Pasko na nga,,,..... "Ha malapit na ang pasko?!"
Halong, saya, dahil makikita ko na uli ang mga kamag-anak at mga kaibigan ko sa probinsya, nasasabik sa pag-uwi at medyo mahabang bakasyon malayo sa trabaho sa opisina, pag-iisip kung anu-ano ang mga i-reregalo sa mga inaanak at kalungkutan na rin kapag bumabalik sa aking isipan ang mga nakaraang pasko na kasama pa namin ang aming magulang :(...

Kanina sa aking paggising may mga ilang senyales na nakakapagparamdam sa akin na padating na nga ang panahon ng kapaskuhan. Medyo masakit kasi ang aking lalamunan, bigla ko tuloy naalala yung pagbawal sa akin ni ate kagabi na wag na akong masyadong uminom ng malamig na inumin at baka sumakit lang ito,, at eto nga,... sana naman ay 'wag magtuloy sa sipon at ubo,,,sa pagbabago daw kasi ng panahon kaya di malimit na magkaroon ngayon ng ganitong sakit.
Iba na rin ang lamig galing sa tubig na parang hinaluan ng bloke ng yelo,,, binilisan ko na lang ang pagbuhos nito habang akoy naliligo at ramdam ko ang kakaibang lamig nito na nagpapahiwatig na papalapit na ang lamig ng kapaskuhan,,, Nakakaaliw namang pakinggan ang himig pamaskong awit ng San Miguel Philharmonic Choir habang ako'y gumagayak papuntang opisina.
Noong bata pa ako ay lagi kong iniisip na sana ay laging pasko. Malamig at magandang klima ng panahon, mga nakakaaliw na lugar panoorin sa saliw ng mga nakakabighaning palamuting pampasko, mga masasayang pamilya habang namamasyal sa mga mall at namimili ng mga kakailanganin nila sa pagdiriwang ng pasko, at higit sa lahat ang pagbibigayan na nilalaan natin sa isat-isat, ito ay ang pagbibigay ng mga mumunting regalo sa ating mga inaanak, kaibigan at mga mahal sa buhay...
Ito ang mga bagay na nagpapahiwatig sa atin at nararanasan kapag sumasapit na ang kapaskuhan,,,,Sana ay madama at ipadama natin sa bawat isa na araw araw ay pasko,,, may kasiyahan sa puso,, pagbibigayan hindi lamang sa materyal na bagay at higit sa lahat ang pagmamahalan at nawa'y madama ng lahat ang walang hanggang pagmamahal Niya....

Pasko na kaya,,,,,,,,,,,,, Maligayang Pasko po! :)



Monday, December 04, 2006

The most awaited wedding finally happened... :)



Last Saturday, Dec. 02 2006, the most-awaited day in this year in our family,,,,that's the wedding of my pretty sis and her so much loved hubby. After the long preparation na inabot na yata ng almost 1 yr. sa pag pe-prepare and pag re-ready ng mga needed things,,,, here now and we finally got ,,,


Blessing din kay Lord sa good weather at peaceful celebration,, we are very glad naman at maraming nagandahan at na impress sa wedding arrangement isa na dito ang mga relatives namin galing Nueva Ecija. Napaka solemn at well detailed daw ng wedding mass, sabi ng isa kong aunti na ito pa lang daw wedding na ito ng sister ko ang napuntahan nya na talagang napahanga sya sa pagka-celebrate ng wedding mass,, unlike sa ibang wedding na ang focus lang nila ay yung sa reception,,,Mas gusto kasi ng sister ko at ng hubby nya na mas pagandahin at i-emphasize ang wedding mass,,



* that was my second time na ako ang naging Bestman, first nung year '03 sa
best friend ko nung college..take note! (5 am ang wedding nun).
* then ngayon uli sa sister ko and bestfriend ko na rin,(deserving di b?hehehe!)
* maid of honor naman ang sister ng hubby nya.
* nakakatuwa kasi yung hubby nya now ay ang first boyfriend nya.
* ito rin ang 1st time kong kumanta sa wedding while pictorial after the mass,
and proud naman ako kasi sa sister ko ito nagawa,,,,ng una.
* gumawa ako ng audio-visual presentation ng mga picture clippings nila together with our family and their friends,,, :)


* yung isang AVP presentation ay surprise naming mga kapatid nila,,,,
* nakakatuwa na nakakaiyak,,,,kasi na refresh ang mga happy moments ng family,,masaya at noong kumpleto pa : tama na drama,,,,lol


* ang bloopers dito,, (hahaha!) ako sana ang mag o-offer ng toast for the bride, medyo kabado pa, kaso di rin natuloy,,kaya yung father in-law na lang ng sis ko ang nag nagtuloy ng toast..


* ang tanung ay kung bakit di ko nagawa...?,,, bumaba kasi ako ng hotel reception para lang hanapin si Lola (hahaha!),, nawawala ang lola ko,,,,nandun lang pala sa service nila,,,


* at eto ang ang tanung ng karamihan sa akin,,,,hmmmmm,,,,
* ikaw naman ang susunod,,, kailan ba?,,,,,, (sabay lunok lang at di makasagot,)speechless lang ang bata (hahaha!),,, intayin nyo n lang po :)


* Congrats to the newly wed!,,, best wishes!,,, good health!,, long life!,, happy married life! and many more grace-filled years together,,, cheeeerss!!!!! ( o ayan inulit ko yung toast proposal ko dapat ah ,,,lol) :)