Friday, April 17, 2009

INSIDENTE SA KALYE

(sigh) Almost every week na yata akong nakaka encounter ng mga road incidents like banggaan ng taxi sa jeep, kotse sa jeep or maging taxi sa taxi.

wala akong masyadong alam sa driving pero ang mga nakikita kong dahilan kung bakit nangyayari ang mga aksidenteng ito ay:


- kakulangan ng disiplina sa pagmamaneho- mga kaskaserong motorista na tila inangkin na ang kalsada at walang takot na nakikipaghabulan kay kamatayan hehehe.

sorry sa mga taxi driver pero isa sila sa nakakaasar na motorista para sakin, hindi mapagbigay sa mga taong tumatawid sa kalsada, minsan hindi rin maayos ang pagmamaneho at tila kasing laki lang ng taxi nila ang motorsiklo kung sumingit sa kalsada.


- ito pa, sa pagmamadaling magmaneho, kahit wala na sa tamang daan, susugod at susugod pa rin, kaya ayun, walang kaalam alam ang kasalubong na motorista na pati ang daanan pala nya ay sinakop na ng buwakaw na driver, ang resulta (KABLAGG!!!)


- dahilan din ang mga pansariling kondisyon ng driver at extra activities nila habang nag da drive- lasing, bangag hehe,,, inaantok? ayan 'wag kasing magpupuyat, walang konsentrasyon sa pagmamaneho at yung iba nagagawa pang mag Text at gumamit ng cellphone habang nag da drive (sarap ngang batukan ni manong driver e, idadamay pa kami, ikaw na mauna)

- at isa sa nakapukaw na dahilan para sakin ay ang kakulangan ng mga safety at traffic road measures tulad ng,,,,,charaaan,,, TRAFFIC LIGHT


haay,,,masyadong bang expensive at di kaya ng city budget ang maintenance ng traffic light?


kung gumagana sana ang traffic light, edi sana nasa ayos ang daloy ng trapiko,


mabilis ang andar ng sasakyan at higit sa lahat MAKAKAIWAS SA AKSIDENTE TULAD NG MGA BANGGAAN AT PAGKASAGASA.


marami pa rin dito sa lungsod ng makati ang mga kanto at maging ang major road ay hindi gumagana ang traffic light. Swerte pa nga kung mayroon ung ibang street, e tila wala man lang nakalagay, tsk tsk tsk


kaya bilib ako sa MARIKINA CITY, parang yun pa lang ang lugar dito sa metromanila ang napuntahan ko na bawat kalsada, maging kanto lang e may traffic light.


Malaking tulong talaga ang may traffic light sa kalsada, kahit yung ibang tsuper e hindi sumusunod sa batas nito.


minsan nga napapansin ko na mas nakakabagal pa ng daloy ng traffic kapag mmda or police traffic ang nasa gitna ng kalsada at nag ooperate nito,,,


Naalala ko tuloy yung mamang traffic aid sa may bandang manggahan pasig, kaya pala laging mabagal ang traffic papasok namin ng manggahan byaheng marikina ay mas priority nya yung mga papuntang rosario pasig, unfair huh, ulit ba sa manggahan lang ang office namin at hindi pa ortigas? e kitang kita naman na mas madaming sasakyan sa way namin,


Kaya sana sa susunod mga mamang tsuper,,, INGAT sa pagmamaneho, maging DISIPLINADO at kung walang traffic light sa daan, maging ALERTO bente kwatro hehe,,at huwag KASKASERO!


isa pa yang mga TSUPER NG MOTORSIKLO na yan! akala yata nila e lahat ng kalsada ay NLEX AT SLEX,

mangangatwiran pa sila na baka daw sila mabunggo ng nasa hulihang sasakyan nila pag di sila nagmabilis, mga pare, depende yun sa lugar at sa kalsadang dinaraan nyo,,kaya ayan kayo ang laging nakakabunggo ng mga inosenteng tao sa kalye,

sana ay maiwasan na ang mga ganitong hindi magandang pangyayari sa kalsada.

sa mga gustong magbigay ng OPINYON AT SUHESTYON sa mga ganitong pangyayari,

maari kayong mag iwan ng comment sa post na ito.


















Friday, April 03, 2009

abs-cbn- Tayong dalawa

click here to watch daily episodes>>> abs-cbn Tayong Dalawa