Mas gusto kong mag MRT pagpasok at paguwi ng opisina kasi bukod sa mas mabilis, pinaka safe pa at mura lang ang pamasahe, yun nga lang siksikan pag rush hour. Pag sa Bus kasi, sasakay ka along edsa ang haba pa ng lalakarin mo bago marating ang loading "kuno" na tinatawag nila, sobrang init pawis na pawis ka na bago ka makapunta sa sakayan, for example along magallanes area North bound, tapos pag para mo yung mga bus humaharurot pa parang palaging takot mahuli ng mmda, agaw buhay ang pagsakay, pag nakasakay ka na, i oovertake yung bus sa unahan na nakapila para makakuha ng sakay, pag naman kumuha ng sakay ang tagal bago umalis, Tapos ibababa ka sa bingit buhay na daan minsan nasa gitna pa.pwede namang sa malapit sa sidewalk para safe,
Nung pumunta kame sa Hongkong ito ang obserbasyon ko sa transportation system nila.
-From airport na tila namangha ako sa sobrang ganda sumakay kame ng MRT nila o MTR sa kanila, pwede mong bilin ang ticket kahit sa ibang establishment or booth unlike satin na pipila ka pa sa mrt booth counter, Pagsakay ng MRT nila, ang laki maluwag at maganda, mabilis at di maingay, sosyal kumbaga.
-Sumakay kame sa Bus, ang laki at magkakamuka ang design, syempre all airconditioned, government kasi nag ooperate, pag nagbayad ka i sa swipe mo lang ung card mo na parang sa mrt, pag wala kang card ilalagay mo lang yung bayad mo sa tabi ng driver (honesty ang labanan) satin pwede ba yun? lol, Mayron lang silang designated area for loading at unloading parang pattern lang sa MRT station hindi kung saan saan at mabilis lang parang may time limit sila hindi tulad dito na hanggat di napapaos kakasigaw si kuyang konduktor e di aalis yung bus,
-Yung rate ng taxi sa kanila hindi nalalayo sa rate ng MRT kaya not bad kahit mag Taxi sa kanila, at wala kaming na encounter na traffic doon.
So ang tao don hindi naiipon sa iisang means ng transportation, Mag MRT ka mabilis, Mag bus ka Maginhawa, mag taxi ka ganun din, So maayos lahat, Sana ganito din sa Metro manila di ba? :)
No comments:
Post a Comment