Tuesday, October 23, 2007

sa gitna ng kaguluhan

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman kung anu ba talaga ang sanhi ng pagsabog sa G2 makati, mahirap ba talagang hanapan ng solusyon ang ganung pangyayari?...minsan inisip ko, na kung manghingi na lang kaya ng tulong mula sa amerika o ibang bansa na mayroong higit na kaalaman at gamit sa pagtukoy sa dahilan ng pagsabog,,,mahirap ba talagang tukuyin dahil sa wala man lang makitang ebidensya na nagpapatunay na bomba nga ang sumabog?....or mahirap talagang mahanap ang solusyon sapagkat marami ang nagpapagulo sa sitwasyon,,,maraming nakikialam,, maraming kumukuha ng pagkakataon para sa pansariling intensyon, maraming umiiwas sa sisi ng taong bayan kung bakit ito nangyari,,,o talagang nalilito lang tayo sa kabila ng ibat ibang bersyon ng balita?,,,kahit ito pa ay isang aksidente lamang o plano ng isang terorista....may mga bagay na maaari natin gawin sa ngayon,,,ito ay ang pagiingat natin, pananalangin at paggawa ng kabutihan sa ating kapwa,,,,

No comments: